^

PSN Palaro

FEU gustong makadalawa sa Adamson

- Ni Angeline Tan -

MANILA, Philippines - Maipagpatuloy ang ma­gandang simula ang nais na gawin ng Far Eastern University sa pagbubukas ng 73rd UAAP men’s basketball second round elimination sa Araneta Co­liseum.

Katipan ng Tamaraws ang Adamson na itinakda dakong alas-4 at hanap ng tropa ni coach Glen Ca­pacio na mapalawig sa walong sunod ang kanilang karta sa liga.

“Masaya ako dahil napantayan namin ang 7-0 re­cord na nagawa noong 2005. Pero marami pa ka­ming dadaanan at hindi ito madali. Kailangang doblehin o triplehin namin ang aming ipakikita dahil tiyak na mas pinaghahandaan na kami ngayon,” ani Capacio.

Umiskor ng 74-65 pa­nalo ang FEU sa Adamson pero tiyak na gagawa ng mga adjustments si coach Leo Austria para mapigil ang Tamaraws at mapaig­ting din ang kani­lang kampan­ya sa mahalagang yugto na ito.

Ang makukuhang pa­­nalo ay pansamantalang magbibigay ng solo panga­lawang puwesto sa Falcons na ngayon ay kasalo ang nagdedepensang kampeon na Ateneo sa 5-2 karta.

Bago ito ay magtutuos muna ang UST at UE sa ganap na alas-2 ng hapon at parehong nangangaila­ngan ng panalo ang dala­wang ito lalo nga’t nasa hu­ling hati sila sa walong ko­ponang liga.

May tatlong panalo la­mang ang nailista ng Tigers sa unang pitong laro pero papasok sila sa laban buhat sa magkasunod na kabiguan dahilan upang makasalo nila ang NU sa ikalima at anim na puwes­to.

Sasandal si coach Alfredo Jarencio sa husay nina Clark Bautista, Jeric Teng at Jeric Fortuna bukod pa sa puwersa sa ilalim mula kay Chris Camus at Carmelo Afuang upang madu­plika ang 80-67 panalo na kinuha sa Warriors sa unang iku­tan.

Kailangan lang ng FEU na maduplika ang sweep sa first round para makapasok na ng tuluyan sa Finals.

ADAMSON

ALFREDO JARENCIO

ARANETA CO

CARMELO AFUANG

CHRIS CAMUS

CLARK BAUTISTA

FAR EASTERN UNIVERSITY

GLEN CA

JERIC FORTUNA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with