^

PSN Palaro

3-0 sa Alaska

- Ni RC -

MANILA, Philippines - Wala pang koponan sa Philippine Basketball As­sociation (PBA) at ma­ging sa National Basketball Association (NBA) ang na­kabangon mula sa isang 0-3 pagkakabaon sa isang championship series para angkinin ito.

Ito ang pipiliting gawin ng Alaska sa nagdedepensang San Miguel sa kani­lang paghaharap sa Game Three ngayong alas-7 ng gabi para sa 2009-2010 PBA Fiesta Conference Finals sa Araneta Coliseum.

Bitbit ang malaking 2-0 abante sa kanilang best-of-seven titular showdown, hangad ng Aces na lalo pang ibaon ang Beermen.

“It’s only 2-0 and it will take four games to win the crown,” sabi ni coach Tim Cone sa kalamangan ng kanyang Alaska sa San Miguel ni mentor Siot Tanquingcen.

Sa kabila ng kani­lang 0-2 pagkakaiwan, kumpiyansa pa rin si Tanquingcen, may 3-0 rekord sa kanyang mga sinuong na championship wars, na makakabawi pa ang Beermen sa serye.

 Hangad ng Uytengsu franchise na makalapit sa kanilang inaasam na pang 13th PBA crown.

Samantala, pormal na ihahayag ngayong alas-5 ng hapon sa Leo Awards ang mananalo sa Most Valuable Player award na pinag-aagawan nina Kelly Williams ng Talk ‘N Text at Arwind Santos ng San Miguel na may 34.9 at 31.8 statistical points, ayon sa pagkakasunod. 

Kaugnay nito, kung wa­­la nang tututol pang koponan, tiyak na ang pagbabalik ng Manila Electric Company (Meralco) sa Philippine Basketball Association (PBA)

Ang Meralco ni telecomunications tycoon Manny V. Pangilinan ng Talk ‘N Text ang bumili sa prangkisa ng Sta. Lucia franchise.

Si Ryan Gregorio ng Derby Ace ang siyang ina­asahang kukunin ni Pangi­l­inan bilang head coach ng Meralco, dating nagtampok sa mga tulad nina Robert Jaworski, Big Boy Reynoso, Francis Arnaiz, Jimmy Mariano at Larry Mumar, bukod pa ang pagiging basketball operations chief ng koponan.

Binili naman ng Del Monte Pacific Ltd. ni Butch Campos at ng Century Pacific Group of Companies ni Ricardo Po ang Purefoods sa San Miguel Corporation.

Sa kabila nito, mananatili pa rin ang prangkisa ng Purefoods na papalitan naman ng brand name ng SMC para sa PBA.

ANG MERALCO

ARANETA COLISEUM

ARWIND SANTOS

BEERMEN

BIG BOY REYNOSO

BUTCH CAMPOS

CENTURY PACIFIC GROUP OF COMPANIES

N TEXT

SAN MIGUEL

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with