Olympians, Titans wagi sa NAASCU
MANILA, Philippines - Tinakasan ng dating kampeong STI Colleges ang Informatics International Colleges, 60-58, para makasalo sa liderato ang University of Manila at Our Lady of Fatima sa 10th NAASCU men’s basketball tournament sa STI gym sa Bonifacio Global City.
Humakot si 6-foof-6 Cameroonian import Henri Betayane ng 16 points at 10 rebounds para sa Vic Ycasiano-mentored Olympians kasunod ang 13 points ni Jerald Bautista at 11 ni MacLean Sabellina.
Ang basket ni Sabellina ang nagbigay sa Olympians ng 59-58 abante sa huling 34 segundo kasunod ang split ni Hassed Gabo na tuluyan nang gumiba sa Icons.
May 3-0 rekord ngayon ang STI kagaya ng UM at Fatima.
Umiskor si Mark Montuano ng 21 points para sa Informatics, habang may 13 naman si Jan Baltazar.
Sa ikalawang laro, tinalo ng AMA Computer University ang St. Clare College-Caloocan, 85-76, para sa kanilang 1-2 baraha.
Tumipa si Azi Mbomiko ng 19 points para pamunuan ang Titans kasunod ang 12 ni Raymark Matias at tig-10 nina Mark Mangalindan at Alfred Regala.
Kumabig si Phillip Roi Coronel ng 23 points para sa Saints (1-2).
Sa women’s division, tinalo ng nagdedepensang UM ang Fatima, 66-46, samantalang binigo ng St. Clare ang University of Makati, 87-11.
Sa juniors’ class, iginupo ng nagtatanggol sa titulong UM ang Informatics, 68-62, at pinayukod ng STI ang St. Clare, 63-57.
- Latest
- Trending