^

PSN Palaro

Smart Gilas umiskor sa Syria

-

BEIRUT, Lebanon --- Matapos ilampaso ng Leba­non, bumawi naman ang Smart Gilas nang igu­po ang Syria, 81-67, mula sa pagbibida nina team captain Chris Tiu at Fil-Tongan Asi Taulava sa Group B ng 2010 FIBA-Asia Stankovic Cup dito.

Tumipa si Tiu ng siyam sa kanyang14 points sa third quarter, habang humakot naman ang 6-foot-9 na si Taulava ng 16 points, 19 rebounds at 2 blocks.

Nanggaling ang Nationals sa 59-74 pagyukod sa Lebanese sa kanilang unang laro.

Mula sa 35-40 agwat sa halftime, inagaw ng Smart Gilas ang 63-53 lamang sa third quarter kontra Syria buhat sa siyam na puntos ni Tiu.

Ang 38-anyos na si Tau­la­va ang hinugot ng Smart Gilas matapos magkaroon ng problema sa pagkuha ng kanilang Philippine passport sina naturalization candidate 6’9 Marcus Douthit, 7-foot Fil-Am Greg Slaughter at 6-7 Rabeh Al-Hussaini.

Nagdagdag naman sina Mark Barroca at Mac Baracael ng 16 at 11 points, ayon sa pagkakasunod, samantalang kumolekta si 6’9 Japeth Aguilar ng 6 points, 4 blocks, 3 rebounds at 2 assists.

Nakatakdang sagupain ng Smart Gilas ang Jordan, nanggaling sa 59-63 pagkatalo sa bigating Qatar, para sa kanilang ikatlong laban sa torneo.

Nagmula ang Syria sa 75-83 kabiguan sa Qatar.

Sa Group A, binigo ng Chinese-Taipei ang Kazakhstan, 80-64, habang giniba naman ng paboritong Iran ang Japan, 72-68.

ASIA STANKOVIC CUP

CHRIS TIU

FIL-AM GREG SLAUGHTER

FIL-TONGAN ASI TAULAVA

GROUP B

JAPETH AGUILAR

MAC BARACAEL

MARCUS DOUTHIT

MARK BARROCA

SMART GILAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with