Donaire hindi kakampihan si Margarito para sa kanyang trainer na si Garcia

MANILA, Philippines - Bagamat si Roberto Garcia ang bago niyang trainer, hindi papanig si Nonito “The Filipino Flash” Nonito Donaire, Jr. sa Mexican ukol sa darating na laban nina Manny Pacquiao at Antonio “The Tornado” Margarito ng Mexico.

Si Garcia, dating cornerman ni Brian “The Hawaiian Punch” Viloria, ang siya ring chief trainer ng dating world welterweight champion na si Margarito.

Tiniyak ng interim super flyweight titlist na si Donaire na mananatili siya sa likod ng 31-anyos na si Pacquiao sa kanilang banggaan ni Margarito sa Nobyembre 13.

“Of course I’m gonna be with Manny’s corner, no matter what,” sabi ni Donaire, umaasang maitatakda ang kanyang paghahamon kay Mexican World Boxing Council (WBC) at World Boxing Organization (WBO) bantamweight ruler Fernando Montiel.

“As much as may relationship kami ni Robert, wala kaming relationship ni Margarito. It’s just me and Robert,” dagdag pa ng tubong Talibon, Bohol kay Garcia.

Inaasahan rin ni Donaire, kasalukuyang suot angWorld Boxing Association (WBA) interim super flyweight title, na hindi hihingi sa kanya si Garcia ng ‘tip’ laban kay Pacquiao.

“Actually, I don’t even talk with Robert kapag wala akong laban. Pero he’s one of the nicest guys I‘ve known so I chose him to train me,” wika ni Donaire.

Pilit pa ring kukulitin ni Donaire si Bob Arum ng Top Rank Promotions para maisama siya sa undercard ng Pacquiao-Margarito fight.

Wala pang venue na napipili si Arum ukol sa pagdara­usan ng laban nina Pacquiao at Margarito. At ilan sa mga ito ay ang Abu Dhabi sa United Arab Emirates, Moterrey sa Mexico at Arlington sa Texas.

Show comments