MANILA, Philippines - Nais ng pamunuang Lokal ng Quezon City na gamitin ang 2nd Quezon City International Marathon upang mailunsad ang programang makakatulong sa Siyudad na maging sports tourism capital ng bansa.
Hindi tulad sa naunang edisyon na kung saan ang QCIM ay itinakbo sa buwan ng Oktubre at kabahagi lamang ng ika-70th anibersaryo ng Siyudad, ang patakbo ay gagawin na sa Disyembre 5 upang magkaroon ito ng sariling pagkakakilanlan.
“Last year, the QCIM was meant to be just one of the event of the founding anniversary of the City. The event turned out to be successful so we decided to turn the event into an institutionalize event of the City,” wika ni Vice Mayor Joy Belmonte na nakasama ni Mayor Herbert Bautista at mga opisyales ng nag-oorganisang RUNNEX sa press conference kamakalawa sa UP-Ayala TechnoHub sa Diliman.
“Just like what Mayor Bautista said, we want Quezon City to be the country’s sports tourism capital and holding the QCIM will help us reach our goal,” dagdag pa ng Bise Alkalde na siyang itinalaga upang bumuo ng plano para sa tourism development ng Siyudad.
Umabot sa 8,000 runners, kasama ang mga dayuhan mula Kenya, Asia at Eupora, ang lumahok sa unang edisyon upang maging matagumpay ito.
Sa taong ito, naniniwala si RUNNEX Chairman Emeritus Art Disini na papalo sa 12,000 ang mga tatakbo lalo nga’t nakilala na ang patakbo bilang isa sa pinakamaganda at maaayos na patakbo sa bansa.