^

PSN Palaro

Ateneo, Adamson nagsalo sa 2nd spot

- Ni ATan -

MANILA, Philippines - Kinakitaan ng mainit na paglalaro ang nagdede­pensang Ateneo at Adam­son nang kanilang pangi­ba­bawan ang mga nakalabang koponan at makasalo sa ikalawang puwesto sa pagpapatuloy kahapon ng 73rd UAAP men’s basketball sa Araneta Coliseum.

Limang puntos lamang ang pinahintulutan ng depensa ng Eagles sa UP sa ikatlong yugto upang maiuwi ang madaling 78-55 tagumpay para maisulong sa 4-2 ang kanilang karta.

 Napag-iwanan nga ang Ateneo sa unang yugto, 12-13, pero gumana agad ang kanilang depensa nang bigyan lamang ng 12 puntos ang Maroons sa second period bago pinababa pa sa lima lamang sa ikatlong yugto upang makalayo na sa 54-30 ang Eagles papasok sa huling yugto.

 “The offense in the first quarter was not very good but we’ve been trying to reach our goals defensively that to limit our opponents to just 15 points per quarter. And we were able to do that in the first three quarters today with UP scoring just five points in the third period,” wika ni Eagles coach Norman Black.

Ang beteranong si Nico Salva ay mayroong 18 puntos kasama ang 5 of 7 shooting na kinatampukan ng 1 of 1 buslo sa tres pero malaking tulong ang ibi­nigay na career high na 13 puntos sa 3 of 3 sa tres ni Juami Tiongson upang makaarangkada ang opensa ng koponan.

Si Magi Sison ay mayroong 13 puntos at 8 rebounds para pangunahan ang Maroons na gumawa ng 1 of 18 shooting sa ikat­long yugto upang maitala ang pinakamababang output sa huling limang taon sa liga.

 Ang dating pinakama­babang iskor nila ay nangyari noon pang Setyembre 3, 2005 sa 59-45 pagyuko sa La Salle para mapalawig sa anim na diretso ang kanilang pagtatalo.

Nauna namang kumubra ng 69-56 tagumpay ang Adamson sa UE para makasalo sa ikalawang pu­westo na dati’y solong ta­ngan ng La Salle .

Si Alex Nuyles ay mayroong 19 puntos habang sina Eric Camson at Janus Lozada ay nag-ambag ng 15 at 10 para katampukan ang tagumpay.

Adamson 69--Nuyles 19, Camson 15, Lozada 10, Stinnett 9, Colina 6, Alvarez 6, Manyara 4, Brondial 0.

UE 56 --Martinez 18, Acibar 12, Rosopa 6, Zamar 6, Lee 5, Reyes 3, Santos 0.

Quarterscores: 17-8, 31-20, 50-31, 59-56.

Ateneo 78 -- Salva 18, Tiongson 13, Salamat 12, Golla 8, Chua 8, Escueta 6, Long 3, Estrada 2, Dela Cruz 2, Monfort 2, Buenafe 2, Austria 2, Erram 0, Balmaceda 0, Gonzaga 0, De Chavez 0

UP 53-- Sison 13, Padilla 12, Lopez 6, Silungan 5, Co 5, Gomez 4, Reyes Martin 3, Reyes Miguel 2, Juruena 2, Manuel 1, Saret 0, Maniego 0, Hipolito 0, Gingerich 0.

 Quarterscores: 12-13, 38-25, 54-30, 78-53.

vuukle comment

ADAMSON

ARANETA COLISEUM

ATENEO

DELA CRUZ

ERIC CAMSON

JANUS LOZADA

JUAMI TIONGSON

LA SALLE

NICO SALVA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with