SMB nangakong susungkitin muli ang Fiesta Cup

MANILA, Philippines – Nagpasalamat ang San Miguel Beermen sa mga ma­nunulat ng Philippine Bas­ketball Association at na­ngako na susungkitin muli ang Fiesta Conference sa pangalawang sunod na pagkakataon.

Ang grupo na pinamumunuan ni Danny Seigle ay sandaling nakipagsaya sa 2nd San Miguel Beer Na­tional Beer Drinking Con­test media edition nitong Martes sa The Cruise Restaurant sa San Miguel By The Bay sa SM Mall of Asia.

“We’re happy as this is one of the few times that we get to bond with the media. We thank them for wishing us luck and we will definitely work very hard to win a PBA title again,” wika ni Seigle. Mag-uumpisa ang finals sa darating na Bi­yernes.

Kasama ni Seigle sina Denok Miranda, Mick Pennisi, Mike Holper, Chris Ca­laguio at Lordy Tugade, Gee Abanilla, Freddie Abun­da at team manager Hector Calma, na nagsilbing judge kasama nina Peter Martin at four-time PBA Most Valuable Player (MVP) Alvin Patrimonio.

Nanalo ng titulo ang team nina Abac Cordero ng Philippine Star, Teddyvic Melendres ng Philippine Daily Inquirer, Tina Ma­­ralit ng Manila Bulletin, Nick Giongco ng Manila Bulletin at Noli Cortez ng Malaya. Nagtala sila ng oras na isang minuto at 20 segundo.

Nasa pangalawang puwesto naman sina Waylon Galvez ng Manila Bulletin, Roy Luarca at Francis Ochoa ng Inquirer, Gerry Ramos ng People’s Journal at Jerome Lagunzad ng Malaya ng oras na isang minuto at 28 segundo.

Pangatlo naman sina Snow Badua at Ricky Yap Santos ng Sports Radio, Zaldy Perez ng Abante, Jimmy Mendoza ng Sunshine Radio at Danny Simon ng Remate Tonight. Nagtala sila ng oras na isang minuto at 37 segun­do.

Ang nag-award ng prem­yo ay ang San Miguel Brewery Inc. Operations Committee na binubuo nina National Sales Manager Debbie Namalata, Pepe Cruz, Rebecca Flores, Nelson Macalintal, Enrico Reyes, Rodney Holmes, Nani Javena at Area Sales Managers Roming Laglagaron at Bong Gaerlan.

Gagawin din sa mga sumusunod na lungsod ang beer-drinking contest para sa media: Iloilo City August 9, Cebu City (August 10), Davao City (August 27), at Cagayan de Oro City (August 28).

Puwedeng maging bahagi sa consumer edition sa pamamagitan ng try-out hanggang October 31, 2010. Para sa karag­da­gang detakye, ma­aring tumawag sa (02) 632-2337 (BEER) o mag-text sa 0922-632-2337 at mag log on sa www.smb­takes­youtothephilippines.com.ph. 

Show comments