SMB nangakong susungkitin muli ang Fiesta Cup
MANILA, Philippines – Nagpasalamat ang San Miguel Beermen sa mga manunulat ng Philippine Basketball Association at nangako na susungkitin muli ang Fiesta Conference sa pangalawang sunod na pagkakataon.
Ang grupo na pinamumunuan ni Danny Seigle ay sandaling nakipagsaya sa 2nd San Miguel Beer National Beer Drinking Contest media edition nitong Martes sa The Cruise Restaurant sa San Miguel By The Bay sa SM Mall of Asia.
“We’re happy as this is one of the few times that we get to bond with the media. We thank them for wishing us luck and we will definitely work very hard to win a PBA title again,” wika ni Seigle. Mag-uumpisa ang finals sa darating na Biyernes.
Kasama ni Seigle sina Denok Miranda, Mick Pennisi, Mike Holper, Chris Calaguio at Lordy Tugade, Gee Abanilla, Freddie Abunda at team manager Hector Calma, na nagsilbing judge kasama nina Peter Martin at four-time PBA Most Valuable Player (MVP) Alvin Patrimonio.
Nanalo ng titulo ang team nina Abac Cordero ng Philippine Star, Teddyvic Melendres ng Philippine Daily Inquirer, Tina Maralit ng Manila Bulletin, Nick Giongco ng Manila Bulletin at Noli Cortez ng Malaya. Nagtala sila ng oras na isang minuto at 20 segundo.
Nasa pangalawang puwesto naman sina Waylon Galvez ng Manila Bulletin, Roy Luarca at Francis Ochoa ng Inquirer, Gerry Ramos ng People’s Journal at Jerome Lagunzad ng Malaya ng oras na isang minuto at 28 segundo.
Pangatlo naman sina Snow Badua at Ricky Yap Santos ng Sports Radio, Zaldy Perez ng Abante, Jimmy Mendoza ng Sunshine Radio at Danny Simon ng Remate Tonight. Nagtala sila ng oras na isang minuto at 37 segundo.
Ang nag-award ng premyo ay ang San Miguel Brewery Inc. Operations Committee na binubuo nina National Sales Manager Debbie Namalata, Pepe Cruz, Rebecca Flores, Nelson Macalintal, Enrico Reyes, Rodney Holmes, Nani Javena at Area Sales Managers Roming Laglagaron at Bong Gaerlan.
Gagawin din sa mga sumusunod na lungsod ang beer-drinking contest para sa media: Iloilo City August 9, Cebu City (August 10), Davao City (August 27), at Cagayan de Oro City (August 28).
Puwedeng maging bahagi sa consumer edition sa pamamagitan ng try-out hanggang October 31, 2010. Para sa karagdagang detakye, maaring tumawag sa (02) 632-2337 (BEER) o mag-text sa 0922-632-2337 at mag log on sa www.smbtakesyoutothephilippines.com.ph.
- Latest
- Trending