^

PSN Palaro

Ateneo, Adamson magpipilit na makisalo sa 2nd spot sa UAAP

- Ni Angeline Tan -

MANILA, Philippines – Iinit ang puwestuhan ng mga koponang kalahok sa 73rd UAAP men’s bas­ketball sa pagtatangka ng dalawang koponan na makasalo sa ikalawang puwesto ngayon sa Araneta Coliseum.

Ang nagdedepensang Ateneo ay babangga sa walang panalong UP sa tam­pok na laro dakong alas-4 paborito na matuhog ang ikaapat na panalo sa anim na laro.

Posible ngang magkaroon ng tatlong koponan na magkakasalo sa nasa­bing puwesto dahil ang Adamson ay balak ding isu­long ang kasalukuyang 3-2 karta sa pagsukat sa husay ng UE ganap na alas-2 ng hapon.

Solong nasa ikalawang puwesto sa ngayon ang pa­hingang La Salle (4-2) ha­bang patuloy naman ang pagkakakapit ng FEU sa liderato sa malinis na 6-0 karta.

Mahalaga para sa Ate­neo at Adamson ang makukuhang panalo upang manatiling matibay ang kapit sa unang dalawang puwesto na sa pagtatapos ng double round elimination ay magtataglay ng ma­halagang twice to beat advantage.

Magmumula ang Eagles sa pagkalos sa Natio­nal University, 82-65, sa huling laro upang matuhog ang ikalawang sunod na panalo at maibaon sa limot ang 63-66 kabiguan sa karibal na La Salle.

Ang ipinagmamala­king depensa naman ang ina­asahang ipaparada ng Falcons sa Warriors upang makabawi rin buhat sa tinamong 65-74 kabiguan sa FEU sa huling tunggalian.

 Kailangang magpakita ng gilas ang tropa ni coach Leo Austria dahil ang Warriors ay kagagaling lamang sa pagtuhog sa kanilang unang panalo matapos ang apat na sunod na kabiguan sa pamamagitan ng 59-54 tagumpay sa UP.

Si Paul Lee na naghahatid ng 20 puntos, 7 rebounds, 3.6 assists at 1.8 steals sa 29.6 minutong paglalaro ang aasahan ni coach Lawrence Chongson. 

ADAMSON

ARANETA COLISEUM

ATENEO

IINIT

KAILANGANG

LA SALLE

LAWRENCE CHONGSON

LEO AUSTRIA

SHY

SI PAUL LEE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with