^

PSN Palaro

Siklista walang dapat ipag-alala

- Ni Angeline Tan -

MANILA, Philippines - Walang dapat na ipag­alala ang mga siklista sa nangyaring palitan ng opis­yales sa Integrated Cycling Federation of the Philippi­nes (ICFP).

Ito ang tiniyak ni Chief of Mission Joey Romasanta matapos ang paglabas ng mga siklista kamakalawa upang umapela na huwag madamay lalo na ang gagawing paglahok sa Asian Games sa Guangzhou China sa Nobyembre.

Ayon kay Romasanta, hindi magagalaw ang mga nakapasang siklista para sa Asian Games dahil patuloy na umiiral ang kasunduan na nilagdaan ng POC, ICFP na kinatawan ni chairman Col. Arnold Taberto at Philcycling na pinamumunuan ni Abraham Tolentino na kinatawan ni sec-gen Atty. Cornelio Padilla Jr.

“All qualified cyclists have nothing to be anxious about because the Me­mo­randum of Agreement signed by the two cycling groups and POC is still in effect,” wika ni Romasanta.

Nagpahayag ng pa­ngamba ang mga siklistang sumali sa unified tryouts noong nakaraang buwan para sa road, track at mountain bike events, matapos magpahayag ang POC na dapat magkaroon ng unified election ang dalawang grupo upang maisaayos ang gulo sa liderato.

Naghayag ang POC ng ganito matapos ilabas si dating PSC chairman Philip Ella Juico bilang bagong pangulo ng ICFP na iniluklok ng kanilang board.

ABRAHAM TOLENTINO

ARNOLD TABERTO

ASIAN GAMES

AYON

CHIEF OF MISSION JOEY ROMASANTA

CORNELIO PADILLA JR.

GUANGZHOU CHINA

INTEGRATED CYCLING FEDERATION OF THE PHILIPPI

PHILIP ELLA JUICO

ROMASANTA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with