^

PSN Palaro

RP Riders nangangamba na maulit ang bangungot noong 2009 SEA Games

- Ni Angeline Tan -

MANILA, Philippines - Alam ni Marites Bitbit kung ano ang hirap ng ka­looban ng isang siklista na hindi makalaro sa isang malaking kompetisyon.

 “Ayaw ko na ngang tingnan ang bisikleta ko. Pero unti-unti ay nakarekober ako at naisip ko na ang cycling ang career ko,” wika ni Bitbit na ang tinutukoy ay nang hindi siya makasali sa 2009 Laos SEA Games dala ng politika sa cycling ng bansa.

Lumabas si Bitbit kasama ang ibang siklistang na­kapasa sa unification tryouts noong nakaraang buwan upang hingiin sa Phi­lippine Olympic Committee (POC) ang katiya­kan na maipapadala sila sa Asian Games sa Guangzhou, China sa Nobyembre.

Ang unified tryouts ay nilahukan ng mga siklista buhat sa dalawang cycling groups, ang Philcycling at Integrated Cycling Fede­ration of the Philippines at may 35 manlalaro, kasama ang tatlong kababaihan, ang napatala at ipinasa sa POC office kahapon ng umaga.

Nangangamba ang mga siklista na maulit ang bangungot ng 2009 SEAG dahil sa pagkakaroon uli ng bagong president ng ICFP na siyang may basbas ng POC.

Si Philip Ella Juico na da­ting PSC chairman at ki­la­lang malapit sa Pa­ngu­long Benigno Aquino III ang iniluklok ng ICFP bilang kanilang ikatlong pangulo kasunod nina Rolando Hiso at Mikee Romero.

Aligaga ang mga siklista dahil may balitang nais ni POC president Jose Co­juangco Jr. na magkaroon ng unified election ang dalawang grupo para maisaayos ang problema.

Ang Philcycling ay pinamumunuan ni Tagaytay Mayor Abraham Tolentino at siyang may basbas ng international cycling body na UCI at tiyak na hindi siya papayag sa isang bagong eleksyon.

Nauna nang tiniyak ni Tolentino ang paggawad niya ng UCI licenses sa mga papasang siklista sa tryouts pero hindi malayong bawiin niya ito kung magmamatigas uli ang POC sa kautusan ng isang bagong eleksyon.

ANG PHILCYCLING

ASIAN GAMES

BENIGNO AQUINO

BITBIT

INTEGRATED CYCLING FEDE

JOSE CO

MARITES BITBIT

MIKEE ROMERO

OLYMPIC COMMITTEE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with