^

PSN Palaro

Abe King nangangalap ng tulong kay Guidaben

- Ni RC -

MANILA, Philippines - Mula sa pagiging magkaribal sa hardcourt hanggang sa kanilang matibay na pagkakaibigan sa United States.

Si dating Toyota po­wer forward Abe King ang nangu­nguna sa pagtulong at paghingi ng suporta para kay dating Crispa cen­ter Abet Guidaben na kasaluku­yang nakaratay sa ICU sa isang ospital sa New Jersey dahil sa pambihirang sakit na Myasthenia Gravis.

“Iyong sakit niyang Myas­thenia Gravis, ma­gan­dang-maganda ang pakiramdam mo tapos bigla ka na lang manghihina,” sabi ni King sa panayam ni Dennis Principe sa kan­yang “Sports Chat” sa DZSR Sports Radio ka­hapon mula sa Seattle, Washington, USA ukol sa dumapong karamdaman sa two-time PBA Most Valuable Player awardee na si Guidaben.

Ang grupo ni King na PBA Legends USA Foundation ang siyang umaagapay ngayon sa gastusin sa ospital ng 57-anyos na dating sentro ng maalamat na Crispa Redmanizers na naging karibal ng To­yota Super Corollas noong 1980’s sa PBA.

Kabilang sa mga sinto­mas ng MG ay ang kahira­pan sa pagsasalita, kahirapan sa paglunok at ang paglambot ng muscles sa ba­tok at leeg.

ABE KING

ABET GUIDABEN

CRISPA REDMANIZERS

DENNIS PRINCIPE

MOST VALUABLE PLAYER

MYASTHENIA GRAVIS

NEW JERSEY

SHY

SPORTS CHAT

SPORTS RADIO

SUPER COROLLAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with