Mazon umukit ng kasaysayan sa bilyar
MANILA, Philippines - Tinalo ng giant-killer na si Jundel Mazon ng Philippines ang dating world ten-ball cham na si Darren Appleton ng Britain, 8-6 sa semifinal round, bago pinayuko si Irsal Nasution ng Indonesia, 10-5 sa final round upang tanghaling overall champion sa Guinness World Series of Pool – 10Ball Challenge sa Mal TamanAggrek sa Jakarta, Indonesia nitong Linggo.
Agad na kinuha ng local hero na si Nasution ang 5-1 kalamangan, subalit nananatiling buo ang kumpiyansa ng Pinoy campaigner at hindi isinuko ang laban nang kanyang mapagwagian ang siyam na sunod na racks tungo sa nasabing panalo.
Narating ni Nasution ang finals matapos sibakin ang 2007 Guinness 9-ball champion na si Chang Jung-lin ng Chinese Taipei, 8-2 sa isa pang semis match.
Ibinulsa ni Mazon na ang biyahe rito ay ginastusan ng NBS, ang top prize na US$40,000.
Tinanggap naman ni Nasution ang runner-up prize na US$20,000 ng nasabing torneo na inorganisa ng ESPN.
- Latest
- Trending