^

PSN Palaro

PBA Legends vs UNTV Hoopsters ngayon na

- Ni Manuel Cinco-trainee -

MANILA, Philippines -  Masasaksihang muli nga­yong araw ang mga alamat ng Philippine basketball sa kanilang pakikipagharap laban sa mga kabataan na nag-aasam ring maging professional basketball players, ang mga Hoopsters sa Cuneta Astrodome sa ganap na alas-6 ng hapon.

Maglalarong muli ang mga PBA Legends para sa benefit game na inorga­nisa ni Daniel Razon, ang “Hoopsters Meet The Le­gends: Kahit Isang Araw Lang” na ang pangunahing layunin ay matulungan ang mga kabataang naghihirap sa buhay para sa libreng edukasyon sa kolehiyo.

Magsisilbing coach pa­ra sa Legends si da­ting Toyota cager Orlando Bauzon habang si Daniel Razon naman ang magi­ging playing coach ng mga Hoopsters.

Sa pangunguna ni first ever PBA MVP William “Bogs” Adornado, magpa­pakitang gilas muli sina Fred­die Hubalde, Phillip Cezar, Atoy Co, Jerry Codiñera, Vergel Meneses, Jun Limpot, Benjie Paras, Bal David, Kenneth Duremdes at Vince Hizon.

Ipapakita naman ng mga Hoopsters ang ka­n­i­lang angking galing sa paglalaro ng basketball sa pagbibida nila Big Step, The Spin, Bounce, Target, Jack Hammer, Small Step, The Chief, Nice One, Cyclone, Showdowm, Spitfire at The Kid.

Ang makukuhang pondo mula sa benefit game na ito ay gagamitin upang matulungan ang mga kabataan na mag-aral ng libre sa La Verdad College sa Ca­loocan City.

Bago ang naturang laro na inorganisa ng UNTV, Sports 37 at ng KAPI, magkakaroon din ng ilang aktibidades sa ganap na alas-4 ng hapon. 

vuukle comment

ATOY CO

BAL DAVID

BENJIE PARAS

BIG STEP

CUNETA ASTRODOME

DANIEL RAZON

HOOPSTERS MEET THE LE

JACK HAMMER

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with