Daniel napiling NCAA Accel/FilOil player of the week
MANILA, Philippines - Muling nagbida si American import Sudan Daniel para sa three-peat champions San Beda College sa first round ng 86th NCAA men’s basketball tournament.
Tinanghal ang 6-foot-7 na si Daniel bilang Accel/Filoil NCAA Press Corps Player of the Week.
Humakot ang tubong Los Angeles, California ng triple-double mula sa kanyang 16 points, 16 rebounds at 10 shot blocks para pangunahan ang 101-74 paggiba ng Red Lions sa Perpetual Altas noong Miyerkules sa The Arena sa San Juan.
“This is a very emotional season for us because we want to get the title back to San Beda,” sabi ni Daniel sa kanyang nakuhang weekly honors na ipinagkakaloob ng Terrilicious meat products. Nakasalo ng San Beda sa liderato ang nagdedepensang San Sebastian College-Recoletos.
Bago ang naturang laro, nagtala lamang si Daniel ng mga averages na 8.5 points, 10.3 rebounds at 3.7 blocks.
Tinalo ni Daniel para sa weekly award na inihahandog ng ACCEL at Fil-Oil sina San Sebastian forward Calvin “The Beast” Abueva, Mapua guard Macky Acosta at Emilio Aguinaldo College off-guard Milan Vargas.
- Latest
- Trending