^

PSN Palaro

PBA Board/Commissioner's Office kumakasa pa

-

MANILA, Philippines -  Binuhay ng PBA Board/Commissioner’s Office ang kanilang tsansa sa semifinal round nang igupo ang Solar-TV, 79-70, sa Meralco-Raffy Japa Cup basketball tournament noong Biyernes sa Araneta Coliseum.

Umiskor si Nuki Sabio ng 13 points, habang tumipa si Richard Cabarles ng pito sa fourth quarter upang ibigay sa PBA Board ang tagumpay.

Bumangon ang PBA Board sa isang 49-56 agwat sa third period kasabay ng paglimita sa Solar-TV sa 2 puntos sa huling 3:45 sa torneong suportado ng Araneta Center at Coca-Cola.

Naglista si Sabio ng game-high 29 points kasunod ang 13 ni Cabarless.

May 1-1 baraha ngayon ang PBA Board kumpara sa 1-2 ng Solar-TV.

Kumabig naman si Peter Labinghisa ng 18 points para sa Solar-TV.

PBA Board/Commissioner’s Office 79 – Sabio 29, Cabarles 13, Magno 12, Gregorio 8, Salud 7, Balingit 7, Villavicencio 1, Francisco 1, Lopez 1, Mercado 0, Mesias 0.

Solar-TV 70 – Labinghisa 18, Singuay 15, Reyes 14, Yupangco 10, Marjon 5, Halili 4, Delasin 2, Legaspi 2, Alcoreza 0, Jopillo 0.

Quarterscores: 17-16; 34-37; 49-56; 79-70.

ALCOREZA

ARANETA CENTER

ARANETA COLISEUM

BALINGIT

BINUHAY

MERALCO-RAFFY JAPA CUP

NUKI SABIO

PETER LABINGHISA

RICHARD CABARLES

SABIO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with