^

PSN Palaro

Blue Eagles nakaiwas sa Bulldogs; Red Warriors sinalanta ang Maroons

- Ni Angeline Tan -

MANILA, Philippines -  Nakaiwas ang Ateneo na malasap ang ikawalang sunod na ka­biguan sa UA­AP nang kunin ang 82-65 tagumpay sa National University sa pagpapatuloy ng 73rd season kahapon sa Araneta Coliseum.

May season high na 20 puntos si Eric Salamat habang naghatid naman ng 19 si Kirk Long at 13 si Nico Salva para sa Eagles na nakuha ang opensa sa second half upang maisantabi ang masamang simula.

Nangapa sa dating porma, nakita ng Ateneo ang sarili na naghahabol sa Bulldogs, 14-28, at tanging sa depensa lamang sila umasa para ma­kahabol sa 33-34 sa pagtatapos ng halftime.

Pero nanumbalik ang sigla ng laro ng Eagles sa ikatlong yugto sa pangu­nguna ni Salamat bago tumodo sa fourth period upang maiwanan na ng tuluyan ang Bulldogs.

Ito ang ikatlong panalo sa limang laro ng Eagles at nakabawi na rin sila sa tinamong 63-66 kabiguan sa kamay ng La Salle sa huling asignatura.

Dahil sa panalong ito, nakaiwas ang Eagles na makatikim ng dalawang su­nod na kabiguan na hu­ling nangyari noon pang 2006 Finals kontra sa UST.

“We can’t shoot in the first half but we played good defense. So I told the boys to just hang in there,” wika ni Eagles coach Norman Black.

Nalaglag naman sa 2-4 karta ang Bulldogs na pinamunuan ni Kokoy Hermosisima na mayroong 18 puntos. Si Emmanuel Mbe naman ay naghatid ng double double na 11 puntos at 12 rebounds.

Natapos na rin ang apat na sunod na kabiguan ng UE nang kunin ang 59-54 panalo laban sa UP sa isa pang laro.

Pinawi ni Paul Lee ang mahinang 8 of 21 shooting nang maipasok ang tres sa huling 17.7 segundo upang tuluyang mailayo ang Warriors.

Bago ang tagpong ito ay nakapanakot pa ang Maroons sa pagdikit sa 54-56.

Tinapos ni Lee ang laro taglay ang 23 puntos habang si James Martinez ay naghatid ng 10 puntos, limang rebounds at apat na assists.

“I’m just glad we were able to pull this win. We had a lot of close games that we could have won. But we’re not here to win only one game,” wika nga ni Warriors coach Lawrence Chongson.

Ang Maroons ay nalag­lag naman sa 0-5 karta at nasayang ang 20 puntos ni Fil-Am Mike Silungan.

ANG MAROONS

ARANETA COLISEUM

ATENEO

ERIC SALAMAT

FIL-AM MIKE SILUNGAN

JAMES MARTINEZ

KIRK LONG

KOKOY HERMOSISIMA

LA SALLE

LAWRENCE CHONGSON

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with