Tamaraws lusot sa La Salle sa 2 OT

MANILA, Philippines - Nagpamalas uli ng ka­tatagan ang FEU upang ma­itakas ang 84-80 panalo sa La Salle na umabot sa da­lawang overtime sa pagpapatuloy ng 73rd UAAP men’s basketball kahapon sa Araneta Coliseum.

Isinantabi ni Ryan Roo­se Garcia ang masamang shooting sa pagpapasabog ng 18 puntos kasama nga ang panablang lay-up buhat sa kanyang steal sa re­gulation para mapalawig ng Tamaraws ang winning streak sa limang sunod.

Maraming kakampi naman ang tumulong kay Gar­cia tulad nga ng bagitong 6’4 forward na si Bryan Cruz na nagdagdag ng 16 puntos habang sina Paul Sanga at Pipo Noundou ang siyang nanalasa sa se­cond overtime na kung saan tuluyang kinuha ng Ta­maraws ang momentum sa labanan.        

Ibinuhos ni Sanga ang lahat ng apat na puntos sa unang dalawang opensa ng FEU sa ikalawang overtime habang nakumpletong 3-point play naman ang ibinigay ni Noundou para itulak ang FEU sa 81-76 bentahe.

Isang fade away jumper pa ni Garcia ang nag-akyat sa bentahe ng koponan sa pito, 83-76, para maselyuhan ang tagumpay..

Nalaglag naman sa ikalawang kabiguan sa limang laban ang Archers na minalas na hindi kinaya ang endgame pressure.

Sa ikalawang laro ay na­nalo naman ang UST sa NU, 59-58 upang makasalo ang La Salle sa ikatlong puwesto sa 3-2 baraha.

Angat pa sila ng dalawang puntos,68-66, at nasa kanila ang bola may 13.9 segundo ngunit masama ang inbound ni Maui Villa­nueva para kay Simon Atkins at naagaw ito ni Garcia tungo sa solo-lay-up at maselyuhan ang 68-all sa regulation.

Nakauna ang FEU sa second overtime at ang buslo nga ni Garcia ay nagbigay ng 74-72 sa Tamaraws.

FEU 84--Garcia 18, Cruz 16, Noundou 14, Cervantes 12, Ramos 5, Bringas 4, Cawaling 4, Exciminiano 4, Sanga 4, Romeo 3, Knuttel 0, Mendoza 0.

DLSU 80--Webb 17, Marata 16, Andrada 13, Villanueva 11, Tolentino 7, Atkins 5, Dela Paz 4, Paredes 4, Mendoza 3, Ferdinand 0, Tampus 0, Vosotros 0.

Quarterscores: 17-14; 30-38; 51-53; 68-68; 74-74; 84-80.

UST 59--Afuang 15, Bautista 14, Camus 11, Teng 6, Fortuna 6, Pe 4, Mariano 3, Aytona 0, Daquioag 0, Lo 0, Mamaril 0, Tinte 0, Wong 0.

NU 58--Ponferrada 12, Baloran 11, Mbe 10, Terso 8, Hermosisima 6, Ludovice 4, Tungcul 3, Javillonar 2, Tungcul 2, Eriobu 0, Ignacio 0.

Quarterscores: 13-10; 22-25; 38-41; 59-58.

Show comments