^

PSN Palaro

Lady Pirates pinadapa ang Altas

- Ni Ma­nuel Cinco-trainee -

MANILA, Philippines - Ipinatikim ng Lyceum ang ika-apat na sunod na kabiguan ng Perpetual Help sa loob lamang ng tatlong sets sa pagpapatuloy ng aksyon ng ikalawang conference ng Shakey’s V-League Season 7 kaha­pon sa The Arena sa San Juan.

Matapos mabigo sa Adamson noong nakaraang Huwebes, bumangong muli ang Lady Pirates ng kanilang igupo ang Lady Altas, 26-24, 25-16, 25-21 upang irehistro ang kani­lang ikatlong panalo sa loob ng limang laro.

Nagtala ng 21 points si dating UST Tigress Mary Jean Balse upang igiya sa tagumpay ang tropa ni coach Emil Lontoc habang nakakuha siya ng ayuda mula kina Joy Cases na may­roong 15 points at kap­wa guest player Dahlia Cruz na may 11 points.

Nagbida naman para sa bataan ni coach Miguel Rafael si guest player Nica Guliman na mayroong 16 points habang may 14 na­man si Sandra Delos San­tos.

Bunga ng panalong ito, sumampa ang Lady Pi­rates sa third spot sa ka­ni­lang 3-2 record habang nanatili naman sa ikapitong puwesto ang Lady Altas na matapos maipanalo ang kanilang debut game laban sa Adamson ay nakatikim na ng apat na sunod na ta­lo.

“May advantage kami kasi marami silang mali­liit then napuna ko yung re­ceiver nila, nahihirapan sila mag-set, pagdating sa atake hindi naman kami masyadong nahirapan” pa­hayag ni coach Lontoc hinggil sa magandang opensa ng kanyang kopo­nan.

Tanging sa unang set lamang nakadikit ang mga taga-Las Piñas ngunit ma­tapos noon ay tuluyan ng lumayo ang Muralla-based spikers sa ikalawa at ikatlong sets.

Sa Linggo ay nakatakdang harapin ng Lyceum ang nasa ikalawang puwestong Ateneo na mayroong 2-1 win-loss slate.

Sa ikalawang laro, pina­lakas rin ng Far Eastern La­dy U ang kanilang kampanya para sa quarterfinals matapos pabagsakin ang National U Lady Bulldogs, 25-11, 25-19, 25-145.

ADAMSON

DAHLIA CRUZ

EMIL LONTOC

FAR EASTERN LA

JOY CASES

LADY ALTAS

LADY PI

LADY PIRATES

LAS PI

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with