^

PSN Palaro

MisOr nalo sa Cebu, laban muntik mauwi sa riot

-

MANILA, Philippines - Muntik ng nauwi sa riot ang tagisan ng Misa­mis Oriental at M. Lhuillier Kwarta Padala Cebu nang magkasuntukan ang mga manlalaro ng nasabing ko­ponan sa pagtatapos ng 8th leg ng Tournament of the Philippines elimina­tion nitong Martes sa Xavier University Gym sa Caga­yan De Oro.

Nasa huling 28 segun­do na ang laban nang nag­pang-abot sina Ronald La­mocha ng Meteors at Nat Cruz ng Cebu habang sumalo rin sina Hafer Mondragon at Kris Lucernas. Pumasok din sa court ang ibang manonood sa pa­ngunguna ni Meteors reserve Wellan Munoz at umupak din kay Cruz.

Napigil lamang ang gulo at ang pambabato ng mineral water ng home crowd nang makiusap si Meteors coach Jun Noel at TOP official Perry Martinez na itigil ito.

Napilitang umurong sa dugout ang Ninos at mi­nabuti ni coach Raul Alco­seba na ibigay na ang panalo sa MisOr na angat ng 22 puntos, 66-44, bago nangyari ang kaguluhan.

Kinailangan namang ipagamot sa ospital si Cruz dahil sa putok sa batok at pamamaga ng isang mata na tinamaan nang husto matapos itong matumba sa harap ng bench ng Meteors. Ang dalawang koponan ding ito ang magkikita sa Finals nitong Huwebes at isang pagpupulong ng mga opisyal ang ginagawa upang makapaglatag ng mas matinding seguridad upang hindi na maulit ang pangyayari.

Tinapos naman ng As­cof Lagundi ang dalawang dikit na kabiguan sa pamamagitan ng 81-72 tagumpay sa Hobe Taguig sa unang laro. 

CRUZ

DE ORO

HAFER MONDRAGON

HOBE TAGUIG

JUN NOEL

KRIS LUCERNAS

LHUILLIER KWARTA

NAT CRUZ

PADALA CEBU

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with