^

PSN Palaro

So sumadsad kay Giri sa 8th round ng Biel chessfest

- Ni Manuel Cinco-trainee -

MANILA, Philippines - Sa ikalawang pagkakataon, muling na­kalasap ng kabiguan si Pinoy GM Wesley So sa mga kamay ni GM Anish Giri ng Netherlands sa ikawalong round ng 2010 Biel Young Grandmasters Chess Championship sa Congress State Center sa Switzerland.

Isa sa mga pre-tournament favorites, nagapi si So matapos ang ika-44th move ng Four Knights Variation ng English Op­ening.

Ang kabiguang ito ni So laban sa 16-year-old na si Giri ang nagpalabo ng kanyang tsansa na mapanalunan ang kanyang unang major title ngayong taon.

Sina leading woodpushers Maxime Vachier-Lagrave ng France at Fabiano Ca­ruana ng Italy na kasalukuyang tabla sa unang puesto na pawang may limang puntos ang may malakas na tsansa na mapa­nalunan ang prestihiyosong chess title.

Ginapi ni Vachier-Lagrave, ang highest rated na manlalaro na may ELO 2723, si GM Mazim Rodshtein ng Israel upang makahabol kay Caruana sa unahan habang si Caruana naman na nagbigay kay So ng kanyang unang talo ay nakipagkasundo sa tabla laban kay GM Dmitry Andreikin ng Russia.

Nakisalo naman para sa pakikipag­tabla sa ikalawang puwesto si GM Ngu­yen Ngoc Truong Son ng Vietnam kay Andreikin ng kanyang talunin si GM Evgeny Tomsahevky ng Russia para makapagtala ng 4.5 na puntos.

Nalaglag naman sa pakikipagtabla sa ika-lima hanggang ika-walong puwesto si So kasama sina Giri, Tomashevky at Rodshtein na pare-parehong may apat na puntos.

ANISH GIRI

BIEL YOUNG GRANDMASTERS CHESS CHAMPIONSHIP

CARUANA

CONGRESS STATE CENTER

DMITRY ANDREIKIN

ENGLISH OP

EVGENY TOMSAHEVKY

FABIANO CA

FOUR KNIGHTS VARIATION

GIRI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with