Altas pinakain ng alikabok ng Red Lions
MANILA, Philippines - Mula sa malamyang simula, tinapos ng mga Red Lions ang laro bitbit ang malaking 30-points victory.
Dinurog ng three-peat champions San Beda College ang University of Perpetual Help-System Dalta, 101-77, upang angkinin ang liderato sa first round ng 86th NCAA men’s basketball tournament kahapon sa The Arena sa San Juan.
Ito ang pang limang sunod na arangkada ng Mendiola-based cagers, nakahugot ng triple-double kay 6-foot-7 American import Sudan Daniel mula sa kanyang 16 points, 10 rebounds at league-high 10 blocks.
Inangkin ng Red Lions ang panguynguna sa bisa ng kanilang 5-0 baraha kasunod ang nagdedepensang San Sebastian Stags (4-0), Jose Rizal Heavy Bombers (4-1), Mapua Cardinals (2-2), St. Benilde Blazers (1-2), Arellano University Chiefs (2-3), Letran Knights (1-3), Emilio Aguinaldo College Generals (1-3) at Altas (0-6).
Buhat sa 12-4 lamang, pinalaki ng San Beda sa 20-8 ang kanilang bentahe sa Perpetual galing sa split ni 6-foot-7 American import Sudan Daniel.
Sa inisyal na laro, ginulat naman ng Generals ang Blazers nang isubi ang 76-71 tagumpay mula sa game-high 17 points ni Emilian Vargas, dating naglaro sa University of Sto. Tomas Growling Tigers sa UAAP.
- Latest
- Trending