^

PSN Palaro

UNTV, PBA Legends magsasama sa isang benefit game sa Agosto 1

- Ni Manuel Cinco -

MANILA, Philippines - Ang matulungan ang mga kabataang naghihirap para makatapos ng edukasyon, iyan ang hangarin ng isang benefit game na kung saan maghaharap ang mga alamat ng Philip­pine basketball at ang mga papa-usbong na mga manlalaro.

Magsasama ang Philippine Basketball Association Legends at ang mga manlalaro ng UNTV na tin­aguriang Hoopsters sa isang game-for-a-cause na “Hoopsters Meet The Le­gends” sa Agosto 1, Linggo sa Cuneta Astrodome sa Pasay City.

Magsisilbing coach ng magkabilang koponan si Kuya Daniel Razon na ma­giging playing coach para sa mga Hoopsters habang si dating Toyota player Orlando “Orly” Bauzon naman ang magmamando sa mga PBA Legends.

Sa pangunguna ni Ku­ya Daniel Razon, ang hanga­rin ng benefit game na ito ay upang matulu­ngan ang mga kabataan na mula sa mahihirap na pamilya na makapag-aral ng libre sa kolehiyo.

Masasaksihan din sa la­rong ito ang muling paglalaro ng mga legendary PBA players na nagnais ding makatulong sa hangarin ng UNTV.

Maglalaro para sa mga Hoopsters ang mga kabataan na may mga alias gaya ng sa And1 sa Ameri­ca. Kabilang dito sina Big Step, The Spin, Bounce, Target, Jack Hammer, Small Step, The Chief, Nice One, Cyclone, Shadowm, Spitfire at The Kid.

Sa panig naman ng mga PBA Legends, magbi­bida sina first ever PBA MVP William “Bogs” Adornado, Freddie Hubalde, Phillip “The Scholar” Cezar, Bal “The Flash” David, “Fortune Cookie” Atoy Co, “Captain Marbel” Kenneth Du­remdes, Jerry Codiñe­ra, Bong Alvarez, Vergel Me­neses at Jun Limpot.

ATOY CO

BIG STEP

BONG ALVAREZ

CAPTAIN MARBEL

CUNETA ASTRODOME

DANIEL RAZON

FORTUNE COOKIE

FREDDIE HUBALDE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with