^

PSN Palaro

Lady Tams naka-2 dikit

- Ni Manuel Cinco-trainee -

MANILA, Philippines - Mula sa masamang 0-2 na panimula sa conference, tuluyan ng nakabangon ang Far Eastern University matapos nilang makamit ang kanilang ikalawang sunod na tagumpay laban sa Adamson University ka­makalawa ng gabi sa Sha­key’s V-League.

Pinadapa ng Lady Ta­maraws, nanggaling sa kanilang unang panalo noong nakaraang Linggo laban sa St. Benilde, ang Lady Falcons sa loob ng tatlong sets lamang, 25-19, 25-22 at 25-16 sa pagpapatuloy ng pag-igting ng aksyon sa ikalawang conference ng premyadong volleyball league sa bansa sa The Arena sa San Juan.

Nagbida para sa Morayta-based squad sina guest players Rachelle Anne Da­quis at Michelle Carolino na mayroong 16 at 14 points ha­bang nagdagdag naman si Monique Tiangco na mayroong 13 points at Cherry Mae Vivas na may walong puntos.

Matapos namang magtala ng impresibong 29 points sa kanilang tagum­pay laban sa Lyceum, na­li­mitahan lamang sa sampung puntos si former MVP at guest player Nerissa Bautista para pamunuan ang Lady Falcons habang nagtulong para sa 26 points sina Pau Soriano, Angela Benting, Mikmik Laborte at Gail Martin.

Iginiya nina Daquis at Carolino ang FEU sa unang dalawang sets ba­go nagbigay ng tulong sina Vivas at Tiangco para maselyuhan ng bataan ni coach Nes Pamilar ang tagumpay.

Ang tagumpay na ito ang naglagay sa FEU sa pagkakatabla sa ikatlong puwesto kasama ang Ly­ceum at Adamson na pa­re-parehong may 2-2 win loss card.

vuukle comment

ADAMSON UNIVERSITY

ANGELA BENTING

CHERRY MAE VIVAS

FAR EASTERN UNIVERSITY

GAIL MARTIN

LADY FALCONS

LADY TA

MICHELLE CAROLINO

MIKMIK LABORTE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with