^

PSN Palaro

Marquez mainit pa rin ang kagustuhang makasagupa si Pacman

- Ni Angeline Tan -

MANILA, Philippines - Masidhi pa rin ang hangarin ni Juan Manuel Marquez na makalaban sa ikatlong pagkakataon si Filipino pride Manny Pacquiao.

May kanya-kanyang labang pinaghahandaan ang da­lawang pinagpipitaganang boksingero sa kasalukuyan pero hindi pa rin naiaalis sa isipan ni Marquez ang kagus­tuhan na masukat pa ang husay ng Pambansang ka­mao.

“Manny Pacquiao. That’s my desire. I want it so bad,” wika ni Marquez nang nakapanayam ng Miami Herald.

Si Marquez na sasagupain sa ikalawang pagkaka­taon si Juan Diaz sa Sabado sa Las Vegas, ay natalo kay Pacquiao nang huling nagkasagupa noong Marso 15, 2008 sa pamamagitan ng split decision sa Las Vegas.

Hindi matanggap ng 36-anyos na Mexican boxer ang desisyong ito at ipinaggigiitan na siya ang tunay na nag­wagi sa laban.

Unang pagtutuos ng dalawa ay nangyari noon pang Mayo 8, 2004 na nauwi naman sa tabla.

Nagpunta pa si Marquez sa bansa ilang taon na ang nakalipas upang iparating ang hamon na hindi na­man pinansin ni Pacquiao at patuloy na umakyat ng timbang.

Si Pacquiao sa ngayon ang kauna-unahang boksi­ngero na may pitong titulo at pupuntiryahin ang ikawalong title sa pagbangga kay Antonio Margarito para sa ba­kanteng WBC 154-pound division.

“I want that third fight with him before my career ends,” banggit pa ni Marquez na mayroong 50 panalo sa 56 laban kasama ang 37 KOs.

Sa ngayon ay pinagtutuunan muna ni Marquez si Diaz at paglalabanan nga nila ay ang hawak niyang WBO light weight at WBA super world lightweight titles.

Si Diaz din ang tinalo niya nang nakuha ang mga titulong nabanggit sa unang pagtutuos na nangyari noong Pebrero 28, 2009 gamit ang 9th round TKO panalo.

ANTONIO MARGARITO

JUAN DIAZ

JUAN MANUEL MARQUEZ

LAS VEGAS

MARQUEZ

MIAMI HERALD

PACQUIAO

SHY

SI DIAZ

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with