Lanete napiling Accel/FilOil NCAA Player of the Week
MANILA, Philippines - Maski ang isang two-week layoff ay hindi nakapigil kay San Beda College guard Garvo Lanete para sa kanyang mainit na fieldgoal shooting.
Iginiya ni Lanete ang Red Lions sa kanilang pang apat na sunod na panalo sa first round ng 86th NCAA men’s basketball tournament.
Mula rito, tinanghal si Lanete bilang Accel/FilOil NCAA Press Corps Player of the Week.
Umiskor ang 21-anyos na si Lanete ng 22 points sa 77-60 paggiba ng Red Lions sa Letran Knights noong nakaraang Miyerkules.
Nagtala rin ang pointguad ng 5 rebounds, 2 assists at 2 steals para sa naturang weekly honor na suportado ng Terrilicious meat products.
“He plays good and knows when to step up. He can deliver big shots at any given time, that’s how good this kid is,” wika ni San Beda coach Frankie Lim kay Lanete.
Isang 14-0 run ang pinangunahan ni Lanete upang tuluyan nang igupo ng Red Lions ang Knights.
Tinalo ni Lanete para sa nasabing karangalan si rookie transferee Rocky Acidre ng Arellano University, Raycon Kabigting ng Jose Rizal University at Calvin Abueva ng nagdedepensang San Sebastian College-Recoletos.
- Latest
- Trending