^

PSN Palaro

FEU pinatatag ang kapit sa solong liderato

-

MANILA, Philippines - Nagpatuloy ang pagpa­panalo ng FEU habang uma­ngat din ang Adamson nang magsipanalo sa pagpapatuloy ng 73rd UAAP men’s basketball kagabi sa Araneta Colliseum

Nadepensahan si RR Garcia at nalimitahan sa 11 puntos lamang pero humalili sa kanya si Terrence Romeo upang madugtungan sa apat na sunod ang pagpapa­nalo ng Tamaraws.

Si Romeo na kumana ng 83 puntos bilang isang Baby Tamaraws ay gumawa ng 21 puntos upang maipakita na kaya din niyangmakipag­sabayan sa mga bigatin sa liga.

“Tamang-tama ang pag-step up ni Romeo dahil ang depensa nila ay nakatuon kay RR,” wika ni coach Glen Capacio.

Nagdomina ang FEU sa unang hati pa lamang ng sagupaan at hinawakan ang 36-18 bentahe.

May 16 puntos si Martin Reyes at ang kanyang magkasunod na tres ay nag­padikit sa Maroons sa 59-52.

Pero hindi nagpabaya ang FEU at sa pagtutu lu­ngan nina Romeo at Reil Cer­vantes ay naglagak ang koponan ng 12-2 bomba para ibalik sa 71-54 ang kan­ilang bentahe.

Ang Falcons naman ay sumandal sa kamay ni­na Leste Alvarez at Jerick Canada para iuwi ang 75-71 panalo sa UST.

Hindi umubra ang 17 tres na pinakawalan ng Ti­gers sa kabuuan ng laro nang maisalpak ni Canada ang dalawang mahalagang free throws matapos huling dumikit ang kalaban sa 73-71.

Si Alvarez ay mayroong 22 puntos para pamunuan ang Falcons na kasalo ngayon ng La Salle sa ikalawang puwesto sa 3-1 karta. Nalaglag naman ang UST sa 2-2 baraha at nasayang ang career high na 23 puntos ni Jeric Teng.(Angeline Tan)

FEU 94--Romeo 21, Cervantes 18, Garcia 11, Exciminiano 10, Ramos 9, Cawaling 8, Noundou 8, Bringas 6, Cruz 3, Knuttel 0.

UP 70--Reyes Ma. 16, Sison 14, Silungan 11, Lopez 10, Padilla 9, Juruena 4, Reyes Mi. 2, Co 2, Saret 2, Hipolito 0.

Quarterscores: 28-18; 50-33; 71-55; 94-70.

AdU 75-- Alvarez 22, Lozada 10, Nuyles 9, Manyara 8, Camson 8, Colina 7, Cañada 6, Cabrera 3, Stinnett 2.

UST 71--Teng 23, Fortuna 15, Bautista 11, Camus 11, Mariano 5, Afuang 2, Daquioag 2, Pe 2, Lo 0, Mamaril 0.

Quarterscores: 19-13; 34-32; 52-53; 75-71.

vuukle comment

ANG FALCONS

ANGELINE TAN

ARANETA COLLISEUM

BABY TAMARAWS

GARCIA

GLEN CAPACIO

JERIC TENG

JERICK CANADA

LA SALLE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with