MANILA, Philippines - Sisikapin ng Misamis Oriental na mapalakas ang kanilang kampanya para sa playoff sa pagho-host ng 8th leg ng Tournament of the Philippines (TOP) ngayon, habang tangka naman ng Kwarta Padala-Cebu na maitaas muli ang kanilang respeto sa Xavier University gym sa Cagayan de Oro City.
Bubuksan ng Misamis Meteors ang kanilang kampanya para sa ikalawang leg champion sa pakikipagharap sa three-time leg runner-up Ascof Lagundi sa alas-7:30 ng gabi, habang magsusukatan naman ang Cebu Ninos at ang Hobe Bihon-Taguig City sa alas-alas-5 ng hapon.
Isang maikling opening ceremony ang magiging tampok sa nasabing pagtitipon na pangungunahan ng mga prominenteng basketball opisyal sa pangunguna ni Misamis Oriental Gov. Oscar Moreno at Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) Executive Director Noli Eala ang mga specials guests sa nasabing events na magkatulong na inorganisa ng Philippine Basketball League (PBL) atLiga Pilipinas.