^

PSN Palaro

Casimero, Catubay 'di pinalad sa Mexico

- Ni Angeline Tan -

MANILA, Philippines - Hindi kinaya ni Johnreil Casimero ang husay ng Me­xicanong si Ramon Garcia Hirales nang isuko ang split decision na ginanap kahapon sa Polideportivo Cen­te­nario sa Los Mochis, Sinaloa Mexico.

Ito ang unang kabiguan ni Casimero matapos ang 14 sunod na panalo at nangyari ito nang pumabor kay Hirales ang dalawang hurado nang tila lumamya ang laro nito sa huling dalawang rounds.

Ang tatlong hurado ay pawang nagbigay ng 115-113 iskor sa kabuuang ng 12 rounds pero isa lamang ang pu­mabor sa Filipino para mawala ang hawak na WBO in­terim light flyweight title.

Dahil din dito, naglaho rin ang hangarin nitong mapa­laban sa mas malaking laban at iniluluto nga sana si Ca­simero na humarap kay Ivan Calderon kung nanalo sa sagupaan.

Ika-13 panalo sa 15 laban ang nakamit ni 27-anyos na kaliweteng Mexicano at ika-11sunod matapos lasapin ang natatanging kabiguan sa kamay ni Francisco Reyes noon pang 2007 sa pamamagitan ng split decision sa lo­ob ng 10 rounds.

Hindi rin pinalad si Federico Catubay dahil umuwi rin siyang luhaan nang matalo sa pamamagitan ng una­nimous decision sa kamay ni Rodrigo Guerrero sa isa pang laban.

Ang tatlong hurado ay pumanig kay Guerrero nang gawaran ito ng 116-112, 115-113 at 117-111 para ma­ngi­babaw sa labang itinalaga bilang isang IBF super fly­weight title eliminator.

vuukle comment

FEDERICO CATUBAY

FRANCISCO REYES

IVAN CALDERON

JOHNREIL CASIMERO

LOS MOCHIS

POLIDEPORTIVO CEN

RAMON GARCIA HIRALES

RODRIGO GUERRERO

SHY

SINALOA MEXICO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with