^

PSN Palaro

So dapa sa Italian GM, laglag sa 2nd

- Ni Manuel Cinco-trainee -

MANILA, Philippines -  Sa kauna-unahang pag­­kakataon ay nakati­kim na ng kabiguan si Pi­noy GM Wesley So sa idi­nadaos na 2010 Biel Young Grandmas­ters Chess Championships.

Pinalasap ni Italian GM Fabiano Caruana ng talo si So sa kanilang fifth round match-up sa pamamagitan ng 49-moves gamit ang Semi-Slav move.

Sinamantala ng Italya­nong woodpusher ang pag­kakamaling nagawa ni So sa kanyang ika-41 na galaw upang makuha ang maliit na kalamangan na nagresulta sa kanyang tagumpay.

Sa kanyang pagkatalo, nalaglag sa ikalawang puwesto ng 10-man catego­ry-17 si So sa kanyang ka­buuang tatlong puntos mula sa dalawang panalo, dalawang tabla at isang talo habang si Caruana naman ay sumampa sa itaas ng li­derato sa kanyang naitalang 3.5 na puntos mula sa dalawang panalo at tatlong tabla.

Kasalo ni So sa ikalawa hanggang ikalimang puwesto sina GM Tomashevky at GM Andreikin ng Russia at si GM Rodshtein ng Is­rael habang nagsasalo sa ika-anim hanggang ika-pitong puwesto sina GM Va­cheir-Lagrave ng France at GM Nguyen Truong Son ng Vietnam na mayroong 2.5 na puntos.

Sa sixth round, susubu­kang makabawi ni So mula sa pagkatalo sa pakikipag­laban kay Tomashevky.

vuukle comment

ANDREIKIN

BIEL YOUNG GRANDMAS

CARUANA

CHESS CHAMPIONSHIPS

FABIANO CARUANA

ITALYA

KASALO

NGUYEN TRUONG SON

SHY

TOMASHEVKY

WESLEY SO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with