LOS ANGELES--Sumailalim si NBA superstar Kobe Bryant ng Los Angeles Lakers sa isang arthtroscopic surgery sa kanyang kanang tuhod.
Inaasahan ng Lakers na maghihilom ang naturang operasyon ni Bryant bago simulan ang kanilang training camp sa Setyembre 25, sabi ng Lakers sa isang official statement.
Dumaan na rin sa isang surgery ang two-time NBA finals MVP noong nakaraang linggo.
Inalisan ng tubig sa kanyang tuhod si Bryant sa kasagsagan ng nakaraang NBA Playoffs.
Ngunit hindi nagpapigil si Bryant upang tulungan ang Lakers na mabingwit ang kanilang pangalawang sunod na NBA crown nang igupo ang Boston Celtics sa championship series.
Hindi pa inihahayag ng koponan kung matutuloy ang surgery ni Bryant sa kanyang injured index finger.
Mangangailangan rin si center Andrew Bynum ng surgery sa kanyang kanang tuhod para ayusin ang isang torn ligament.
Naglaro si Bynum sa nakaraang NBA Finals na may iniindang injury.