Dolphins humirit ng deciding Game Three sa Sharks
MANILA, Philippines - Hindi basta-basta isusuko ng two-time champion Cebu Dolphins ang kampeonato sa Dunkin’ Donuts Baseball Philippines Series VI.
Ito ang kanilang ipinakita nang kanilang kanain ang 10-9 panalo sa Sharks sa Game Two na ginawa sa Felino Marcelino Memorial Stadium sa Taguig City .
Tatlong runs ang naitala ng Dolphins sa eight inning bago ipinagkatiwala kay ace pitcher Joseph Orillana ang ninth at huling inning para magkatabla ang dalawang koponan sa 1-1.
Tabla sa 7 all matapos ang pitong innings, umiskor si Fulgencio Rances ng go-ahead run sa double ni Jonash Ponce.
Sa isang loaded bases situation ay nagtala naman ng error ang outfielders ng Sharks nang magkabanggaan sina Christian Galedo at Saxon Omandac upang makaiskor sina Orillana at Ponce at bigyan ng 10-7 bentahe ang Dolphins papasok sa top of the ninth inning.
Nakapanakot ang Sharks nang makaiskor sina Jonjon Robles at Galedo sa mga sacrifice hits nina Romy Bumagat at Jenald Pareja.
At kahit isang out na lamang ang kailangan ay nakatungtong pa sa mga base hits sina Francis Candela at Omandac para mamuro sa panabla at go-ahead run.
Ngunit hindi ito pinahin-tulutan pa ni Orillana dahil na-strikeout niya si Nino Tator para sa ikatlo at huling out. Ang deciding Game Three ay gagawin sa susunod na Sabado sa nasabing venue.
- Latest
- Trending