^

PSN Palaro

La Salle pinana ang Ateneo

- Ni Angeline Tan -

MANILA, Philippines -  Tila mga beterano ang mga batang manlalaro ng La Salle upang kunin ang 66-63 tagumpay sa nagdedepensang Ateneo sa pagpapatuloy ng 73rd UAAP men’s basketball ka­hapon sa Araneta Coliseum.

Ang sophomore player na si Samuel Marata ang siyang tumayong bida sa Archers nang kanain ang magkasunod na tres upang makumpleto ng koponan ang pagbangon buhat sa 51-60 pagkakalubog.

Si Marata ay nagtapos taglay ang 12 puntos mula sa 4-of-4 shooting sa 3-point line.

“He played well and made that big shot,” wi­ka ni first year La Salle coach Dindo Pumaren na winakasan ang anim na sunod na panalo ng Eagles na nagsimula noon pang 2008.

Tila naman isang nauupos na kandila ang tropa ni coach Norman Black dahil nataranta sila sa agresi­bong depensa na ipinakita ng Archers matapos lumayo sa siyam na puntos.

Si Mico Salva na nga la­mang ang umiskor para sa Eagles pero siya rin ang nagpatalo nang maipamigay niya ang bola sa dalawang krusyal na opensa sa depensa ni Jaerlan Tampus.

Ang huling error nga ay dahil sa isang dribbling error dahilan upang magkaroon pa ng jumpball. Si­nu­werte naman ang Archers na napaboran ng ball possession at si Simon Atkins ay bumanat ng isa sa dalawang free throws sa foul ni Bacon Austria para sa 66-63 bentahe.

May 17.6 segundo pa sa orasan pero naging han­da ang Archers na depensahan ang mga sho­oters sa pangunguna ni Eric Sal­amat.

Tinapos naman ng National University ang pitong taong dominasyon ng UE sa pamamagitan ng 70-63 panalo.

ARANETA COLISEUM

BACON AUSTRIA

DINDO PUMAREN

ERIC SAL

JAERLAN TAMPUS

LA SALLE

NATIONAL UNIVERSITY

NORMAN BLACK

SAMUEL MARATA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with