Solong liderato inangking ng SSC spikers

MANILA, Philippines - Eksplosibong opensa at ma­tinding depensa ang naging susi ng San Sebastian laban sa Ateneo upang mapanatili ang maagang liderato sa Shakey’s V-Lea­gue kamakalawa ng gabi sa The Arena sa San Juan.

Binasag ng Lady Stags ang kanilang pakikipagsalo sa lide­rato ng kanilang padapain ang Lady Eagles sa loob lamang ng tatlong sets, 25-22, 25-17 at 26 24 sa pag-igting ng aksyon sa ikalawang conference ng ligang inorganisa ng Sports Vision at iniisponsoran ng Shakey’s Pizz­a.

Sa kanyang kinamadang 20 points na kinatam­pukan ng 19 hits, iginiya ni Thai reinforcement Ja­roesnri Bualee ang tropa ni coach Roger Gorayeb sa kanilang ikatlong dikit na tagumpay na naglagay sa kanila sa tuktok ng stan­dings na mayroong 3-0 win loss slate. Nakakuha ng ayuda si Bualee mula sa kapwa guest player na si Suzanne Roces na nag­tal­a ng 13 points at kina mainstays Melissa Mirasol at Joy Benito na mayroong 11 at walong puntos.

Matapos namang mag­ta­la ng impresibong 36 points sa kanilang unang da­lawang panalo, nalimitahan lamang sa sampung puntos si Thai import Surasawadee Boonyuen para pamunuan ang atake ng Ateneo. Nagdagdag naman ng walong puntos si Alyssa Valdez.

 Samantala, naitala naman ng Adamson ang ka­nilang ika­la­wang sunod na tagumpay ma­tapos nilang malusutan ang Lyceum sa loob ng limang sets, 25-20, 22-25, 21-25, 25-16 at 15-7.

Show comments