^

PSN Palaro

Cebu taob sa MP GenSan

-

MANILA, Philippines - Nagpakawala ng dala­wang mahalagang tres si Jonathan Parreno na si­­yang naging sandalan ng MP Gensan upang patikimin ng kauna-unahang kabiguan ang M. Lhuillier Kwarta Padala-Cebu sa pamamagitan ng 79-74 pa­­nalo sa pagpapatuloy ng 7th leg ng Tournament of the Philippines kahapon sa Emilio Aguinaldo College Gym.

Ang pangalawang tres nga ni Parreno ay ibinagsak matapos huling dumikit ang Ninos sa 74-71 sa 3-pointer ni Stephen Padilla para makamit ng Warriors ang malaking panalo at nagpagulo din sa karera para sa leg finals.

Tinalo din ng Cobra ang Ani-FCA, 82-80, upang magkaroon ng 1-1 karta ang apat na kalahok sa tor­­neong ito.

Si Pari Llagas ay naka­pagbuslo sa puntong pa­paubos na ang oras para itulak ang Ironmen sa ta­gumpay.

Dahil sa pangyaya­ring ito, ang mananalo sa pagtatapos ng elimination round ngayon ang siyang kukuha ng puwesto sa Finals na gagawin bukas.

Si Christian Nicdao ay mayroong 17 puntos at seven rebounds habang si Angel Raymundo ay nagdagdag ng 16 puntos at 13 rebounds. May tig-10 puntos naman sina John Gonzaga, Jasper Callo at Dave Sagad at ang huli ay humablot din ng 11 re­bounds.

ANGEL RAYMUNDO

DAVE SAGAD

EMILIO AGUINALDO COLLEGE GYM

JASPER CALLO

JOHN GONZAGA

JONATHAN PARRENO

LHUILLIER KWARTA PADALA-CEBU

SHY

SI CHRISTIAN NICDAO

SI PARI LLAGAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with