So tumabla sa Frenchman top-seed, sosyo pa rin sa liderato
MANILA, Philippines - Nagkasya lamang si GM Wesley So sa draw matapos niyang subukin na humugot ng tagumpay laban kay 2009 World Junior titlist GM Maxime Vacheir-Lagrave ng France sa ikalawang round ng 2010 Biel Young Grandmasters Chess Championship sa Center of Biel nitong Martes.
Natapos ang kanilang duwelo sa table matapos ang 64 moves gamit ng King’s Indian defense.
Sa kanilang pagtatabla, nanatili pa rin si So sa kanyang pakikipagsalo sa lideratio kasama sina second seed GM Evgeny Tomashevky ng Russia at No. 10 seed GM Maxim Rodshtein ng Israel sa kanilang tig-1.5 points sa category 17-under ng 10-player tourney na bahagi ng 43rd Biel International Chess Festival.
Tinalo ni Tomashevky si ninth seed GM Parimarjan Negi ng India habang tumabla naman si Rodshtein kay third seed GM Fabiano Caruan ng Italy para samahan si So sa maagang liderato.
Nagsasalo naman sa ika-apat hanggang ika-walong puwesto si Vachier-Lagrave at iba pang apat na players na may isang puntos.
Maghaharap sina So at Rodshtein sa Miyerkules habang si Tomashevky naman ay kakaharapin ang kapwa Rusong si GM Dmitry Andeikin.
- Latest
- Trending