3 dikit na panalo kakanain ng FEU vs UE
MANILA, Philippines - Matapos ang dalawang mahigpitang panalo, naniniwala si coach Glen Capacio na unti-unti nang nakukuha ng kanyang bataan ang hinahanap niyang maturity.
Tinalo ng Tamaraws ang Ateneo, 72-69, at isinunod ang National University, 76-72, upang masolo ang liderato sa walong koponang liga sa 73rd UAAP men’s basketball.
“Ito ang hinahanap kong maturity sa laro nila. Hindi sila bumibigay kahit dikit ang laban,” wika ni Capacio.
Ikatlong diretsong panalo ang pakay ngayon ng Morayta-based cagers sa pagharap nila laban sa Recto-based squad sa main game bandang alas-4 ng hapon na gagawin sa Araneta Coliseum.
Ikalawang laro ito sa double header at magsisimula matapos saksihan ang tagisan sa hanay ng UST at UP ganap na alas-2 ng hapon.
Patok ang Tamaraws laban sa Warriors dahil hindi pa ito nananalo sa dalawang laro.
Ang mga koponan ng University of Santo Tomas Golden Tigers at La Salle Green Archers ang dumurog sa pumangalawang koponan sa Ateneo noong nakaraang season at ang winning margin nga ng panalo ay nasa 16 puntos.
Hindi naman nagkukumpiyansa si Capacio at umaasahang patuloy na maipapakita ng Tamaraws ang bangis sa kanilang paglalaro.
“Walang madaling laro sa liga kaya kailangang focus ka sa lahat ng laro. Kahit sino ay puwedeng manalo sa bawat laro,” paalala ni Capacio.
Ang Tigers naman ay nagnanais na makabangon matapos ang 56-68 pagkatalo sa Ateneo sa huling laro.
Sina Clark Bautista at Jeron Teng ang mga sinasandalan ng Tigers ngunit dapat silang humugot ng opensa sa malalaking manlalaro para lumalim ang arsenal ng koponan.
Kailangan nilang magpakita ng katatagan dahil ang Maroons ay gutom sa panalo matapos ang dalawang dikit na kabiguan sa kamay ng La Salle at Adamson.
- Latest
- Trending