^

PSN Palaro

Ninos, Cultivators nagsipanalo

- Ni A Tan -

MANILA, Philippines - Ginamit ng ML Kwarta Padala Cebu ang mainit na pa­gbuslo sa kabuuan ng sa­gupaan tungo sa 104-81 pagdurog sa host Cobra sa pagbubukas kahapon ng 7th leg ng Tournament of the Philippines (TOP) sa Emilio Aguinaldo College Gym sa Manila.

Nasabak na sa venue sa first leg na kanilang wi­nalis, ang Ninos ay nagtala ng 43 of 76 shooting para sa 57% fieldgoals upang katampukan ang dominan­teng unang panalo sa ha­ngaring maibulsa ang ikatlong leg title.

Si Stephen Padilla ay may 20 puntos kasama ang limang tres habang sina Bruce Dacia, Ariel Mepana at Marlon Basco ay nag-ambag ng 42 puntos upang ipalasap sa Ironmen ang kanilang unang kabiguan.

Nauna namang nagpasikat ang Ani-FCA nang malusutan ang MP GenSan Warriors, 77-72, sa unang laban.

Sina James Sena at Magnum Membrere ang nagtulong matapos ang huling tabla sa laro sa 60-all para tumibay ang hangarin ng Cultivators na makalaro uli sa Finals na naganap sa Mandaue leg.

Tatangkain ngayon ng Ninos at Cultivators na maselyuhan ang puwesto sa finals sa pagharap sa War­riors at Ironmen nga­yon sa nasabing venue.

ARIEL MEPANA

BRUCE DACIA

EMILIO AGUINALDO COLLEGE GYM

KWARTA PADALA CEBU

MAGNUM MEMBRERE

MARLON BASCO

SHY

SI STEPHEN PADILLA

SINA JAMES SENA

TOURNAMENT OF THE PHILIPPINES

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with