4 Pinoy pugs kakasa sa title fight
MANILA, Philippines - Kakaharapin ng dalawang Pinoy sluggers ang dalawang Thailanders sa kanilang tangkang pagwagian ang titulo sa kanilang dibisyon habang dalawang Pinoy naman ang maghaharap para sa bakanteng titulo sa Hulyo 31, Sabado sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.
Magbabakbakan sina Warlito Parrenas, ang WBC No. 22 sa light flyweight na may record na 13 wins at Jonathan Tacuning na No. 21 naman sa naturang dibisyon at may 8-1-1 win-loss-draw card mula sa Zamboanga para sa bakanteng WBC International light flyweight Championship.
Hahamunin naman ni Ryan Bito si Sooksan Caichan Sanmuangloie ng Thailand para sa WBC International flyweight belt. Ang 24-anyos na si Bito ay may record 28 wins, 5 losses at 3 draws.
Nakatakda namang magpangbuno para sa WBC International Super Flyweight belt sina Pinoy puglist Silvester Lopez at Thai boxer Wandee Singwangcha. Idedepensa ng 22 years old na orthodox Pinoy ang kanyang titulo sa 112 pounds division laban sa dating international flyweight titlist na si Singwangcha.
- Latest
- Trending