^

PSN Palaro

Catalan may pag-asa pa sa RP team

- Ni Angeline Tan -

MANILA, Philippines - Bukas pa ang pintuan para kay two-time SEA Ga­mes gold medalist Alfie Catalan para sa ipadadalang delegasyon sa Asian Games sa Guangzhou, China sa Nobyembre.

Si Catalan ay hindi nakasali sa dalawang araw na qualifying races sa track na ginawa sa Amoranto Ve­lodrome sa Quezon City dahil sumailalim siya sa basic military training sa Philippine Army.

Pero para kay Col. Arnold Taberdo na siyang tu­mayong commissaire sa track event, puwede pang isama si Catalan dahil balido ang kanyang di paglahok sa qualifying races.

 Si Catalan ay kampeon sa Individual Pursuit no­ong 2005 Manila at 2007 Thailand SEA Games.

 Isa pa sa balak niyang isumite sa POC na hindi du­malo sa tryouts ay si Fil-Am Jeremy Moore na batak sa Individual Pursuit sa track at sa road race.

Sina Catalan at Moore ay kabilang din sa koponan na nagnais sanang maglaro sa Laos pero di nabigyan ng pagkakataon ng organizers dala ng sigalot sa liderato sa cycling.

 Ang mga nakapasa sa tryouts ay sina Ronald Gorrantes, Lloyd Lucien Reynante, Mark Bonzo at John Mier sa 4-KM Individual Pursuit, Nilo Estayo at Reinhard Gorrantes sa 1K ITT, Warren Davadilla at Tomas Martinez sa Point Races, Arnold Marcelo at John Paul Morales sa Kirin at Romel Hualda at Ricky Call sa 200m sprint sa kalalakihan habang sina Fil-Aussie Apryl Eppinger, Maritess Bitbit at Analisa Dysangco ang pumasok sa kababaihan.

ALFIE CATALAN

AMORANTO VE

ANALISA DYSANGCO

ARNOLD MARCELO

ARNOLD TABERDO

ASIAN GAMES

FIL-AM JEREMY MOORE

FIL-AUSSIE APRYL EPPINGER

INDIVIDUAL PURSUIT

JOHN MIER

SI CATALAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with