Foreign chessers lalahok sa Campomanes chessfest
MANILA, Philippines - Inaasahang makikilahok ang mga top woodpushers galing sa Asya at Europa sa pagsalang sa aksyon ng dalawang chess tournament na nagbibigay pugay sa dalawang chess leaders sa ating bansa, ang una ay para kay yumaong FIDE President Florencio Campomanes at ang isa naman ay para kay NCFP President Prospero Pichay sa susunod na buwan.
Nakatakda ang ika-anim na edisyon ng NCFP President Prospero Pichay Cup sa Agosto 21-27 habang ang kauna-unahang FIDE President Florencio Campomanes Memorial Tournament ay nakatakda naman sa Agosto 29 hanggang Setyembre 4 sa Ninoy Aquino Stadium at may pinagsamang pot money na US$ 130, 000.
“The whole country is proud to be the host of the first leg of the inaugural Campomanes Cup. This will surely be one of the biggest tournaments in the whole of Asia this year and we are leaving no stone unturned to ensure their success,” ani Pichay na personal na pinili ni Campomanes bilang susunod na lider ng chess sa ating bansa.
Kabuuang US$ 100, 000 ang nakalaan para sa Campomanes Cup at ito ay tinaasan ni FIDE president Kirsan Ilyumzhinov na malapit na kaibigan ng yumaong Filipino chess leader.
Ang magkakampeon sa Campomanes Cup ay magbubulsa ng US$ 10, 000 habang ang runner-up ay magkakaroon ng US$ 9,000 at US$ 8,000 naman para sa third placer.
Makakatanggap din ng $7,000 ang fourth placer, $6,000 para sa fifth placer, US$ 5,000 para sa sixth place, US$ 4,000 para sa seventh placer, US$ 3,000 para sa eight placer, US$ 2,000 para sa ninth at US$ 1,500 para sa 10th placer. Ang mga malalaglag sa 11th hanggang 35th place ay makakatanggap din ng consolation prizes.
Ang Pichay Cup naman ay mayroong kabuuang premyo na aabot sa US$ 30,000. Isusubi ng magiging kampeyon ang US$ 6,000 habang ang runner-up ay mayroong $ 4,000, $ 3,000 para sa third placer, US$ 2,000 para sa fourth at US$ 1,500 para sa fifth placer.
- Latest
- Trending