Pinay cagers naisahan ng Thailand

MANILA, Philippines - Ginupo ng Thailand ang Careline Pilipinas, 87-77 sa ASEAN School Games nitong Sabado sa Kuala Lumpur sa kabila ng kontrobersiyal na de­sisyon ng mga organizers na pa­yagan ang mga Thailanders na paglaruin bagaman mali ang kulay ng unipormeng suot.

Dumating ang mga Thais na kakaharapin para sa gold medal game ang mga Malaysians ng may maling pares ng uniporme na nagbunga upang tawagin ng Careline-Pilipinas ang atensyon ng mga opisyal ng naturang tor­neo. Sa halip na tugunan ang protesta ng RP team, pinahiram ng mga league officials ang mga Thais ng uniporme ng Malaysia at pinayagan ang mga itong lu­maro.

Nagprotesta ang Ever Bilena-backed RP team ngunit na­nindigan ang mga opisyal ng torneo na tama ang kanilang ginawa at sinabing walang nila­bag ang mga Thais.

Sa pangunguna nina Danica Jose at Tere Aseron na nagsanib puwersa para sa 41 points, 16 reboundsa at apat na assists, hinabol ng Pinay dribblers ang 30 puntos na kalamangan ng Thailand sa ikatlong quarter, 73-43 upang putulin ang lamang sa pito ngunit kinapos na rin sa huli.

May 17 puntos naman si Kit­kat Nitorreda habang si Elrica Castro ay may 12 points at walong assists para sa RP-5.

Show comments