^

PSN Palaro

WBO Asia Pacific bantam title inagaw ni Banal

- Ni Angeline Tan -

MANILA, Philippines - Kinuha ni AJ Banal ang bakanteng WBO Asia Pacific bantamweight title sa pamamagitan ng fifth round knockout kontra kay Hayato Kimura ng Japan na idinaos nitong Sabado ng gabi sa Carlos P. Garcia Sports Complex sa Tagbilaran City.

Nabilangan si Kimura ni referee Bruce McTavish nang bumulagta matapos masapol ng kanan na nasundan ng kaliwang uppercut may 1:59 sa orasan.

Mahigpitan ang sagupaan pero angat si Banal sa Hapon na naputukan nang aksidenteng magkauntugan sila ng katunggali.

Ito ang ika-22 panalo sa 24 laban ni Banal bukod pa sa pang-18 KO habang si Kimura ay nalaglag sa kan­yang ikatlong kabiguan sa 19 na laban at may 11 KO. Pero ito ang unang pagkakataon para sa bisitang bok­singero na matalo sa pamamagitan ng KO.

Nakabase na sa Seoul, mataas ang morale ni Kimura dahil kagagaling lamang ito ng isang fifth round KO pa­­nalo laban kay BJ Dolorosa ng Pilipinas sa labang ginanap sa Tokyo.

Kasamang kuminang ni Banal ay si Jason Pagara na sumuntok ng second round TKO panalo laban kay Young Bin Kim ng Korea.

Matitinding kaliwa ang ginamit ng mas maliit na si Pa­gara na kanyang sandata at naputukan nga sa kilay ang Koreano dahilan upang matigil ang laban sa loob ng 2:18 ng pangalawang round.

Ang ikatlong boksingero ng Ala Boxing Stable na si James Bacon ay humirit din ng KO panalo sa loob ng anim na rounds laban kay Eric Macas.

Kasama ring nagpasiklab ay si Rey “Boom Boom” Bautista na sumabak lang sa isang three round exhibition bout laban kay Fernando Otic ng Cebu.

ALA BOXING STABLE

ASIA PACIFIC

BOOM BOOM

CARLOS P

ERIC MACAS

FERNANDO OTIC

GARCIA SPORTS COMPLEX

HAYATO KIMURA

JAMES BACON

JASON PAGARA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with