Careline-RP bigo sa Indonesia

MANILA, Philippines - Inilabas ng Careline-Pilipinas ang kanilang tikas laban sa mas matatangkad at magigilas na Indonesian squad, subalit hindi ito naging sapat upang makaiwas ang Nationals sa paglasap ng 88-69 kabiguan sa ASEAN School Games nitong Biyernes sa Kuala Lumpur, Malaysia.

Sinamantala ng Indons ang pagkataranta ng Nationals na suportado ng Ever Bilena Cosmetics sa pangunguna ni dating PBL chairman Dioceldo Sy, upang walisin ang dalawang laro sa kanilang division.

“Their (Indons) big players defended well and they shot impressively from afar,” ani RP coach Patrick Garcia. “Unlike our team, the Indons appear more matured.”

Sa kabila ng kabiguan, umu­sad pa rin ang Nationals, binanderahan nina Danica Jose, Kitkat Nitorreda at Tere Aseron, sa cros­sover semifinals laban sa Thailand, na nanguna sa isa pang grupo sa six-nation tournament na ito.

Show comments