Mabigat na pagsubok sa RP 5 vs Taipei sa Jones Cup
TAIPEI--Isa na namang panibagong pagsubok ang kakaharapin ng Smart Gilas sa kanilang pakikipagsagupa sa host country Chinese Taipei sa pagpapatuloy ng 32nd edisyon ng William Jones Cup sa ganap na alas-7 ng gabi sa Hsinchuang Stadium dito.
Ito ang kauna-unahang pakikipag-duwelo ng developmental squad ng bansa laban sa mga Eastern Asian teams magmula ng ito ay mabuo noong Disyembre 2008.
Nakakuha na ng karanasan ang Gilas sa kanilang pakikipagsagupa sa mga koponan mula sa Gitnang Silangan gaya ng Iran, Lebanon, Jordan at Qatar ngunit wala pa silang nakakaharap na koponan mula sa Silangang bahagi ng Asya gaya ng China, Korea, Japan at Chinese Taipei.
“There’s a big difference between teams from the Middle East and the Far East. The Middle Eastern teams play European style of basketball. Teams like Korea and Chinese Taipei play a whole lot different,” ani Lebanon team tactician Thomas Baldwin
Bagaman kulang ng dalawang frontliners gawa ng NBA Sumer League, binigyan ng mga Taiwanese ng matinding laban ang Lebanon bago sila napayuko, 84-93 nitong Biyernes.
Ang Chinese-Taipei ang minamanduhan na ngayon ni dating Chinese hotshot Zhang Xue-Lei. Gaya ng istilo ng paglalaro ng Korea at China ang Chinese Taipei.
Bagaman hindi pa nakakaharap ng bataan ni Gilas coach Rajko Toroman, pamilyar na siya sa mga Taiwanese.
Sa unang tatlong araw ng week-long cagefest, pawang may 2-1 panalo-talong baraha ang mga Pinoy at Taiwanese.
- Latest
- Trending