3RD win pinasabog ng heavy bombers
MANILA, Philippines - Kanino pa ba huhugot ng lakas ang Heavy Bombers kundi sa mga beteranong sina forward Marvin Hayes at Cameroonian guard John Njei patungo sa kanilang pangatlong sunod na arangkada.
Naglista si Hayes ng 11 points at 10 rebounds, habang humakot naman si Njei ng 10 points, 6 boards, 6 assists, 2 steals at 2 shotblocks para tulungan ang Jose Rizal University sa 78-62 paggiba sa University of Perpetual Help-Dalta System sa first round ng 86th NCAA men’s basketball tournament kahapon sa The Arena sa San Juan City.
Ito ang ikatlong dikit na panalo ng Mandaluyong-based cagers makaraang matalo sa San Beda College sa kanilang unang laban.
Ipinoste ng Altas ang isang 13-point advantage, 45-32, sa third period mula sa 34-29 lamang sa first half galing sa 16 produksyon ni George Allen, isang transferee buhat sa Philippine Christian University, bago nalimita sa 17 puntos sa kabuuan ng fourth quarter.
Sa naturang yugto, sinandigan ng Jose Rizal sina Hayes at Njei bukod pa kina Lopez, Almario at Gilbert Bulangis at Raycon Kabigting.
Umangat ang baraha ng Heavy Bombers ang 3-1 rekord sa ilalim ng nagdedepensang San Sebastian (3-0) at Red Lions (3-0) kasunod ang St. Benilde (1-0), Mapua (2-1), Letran (1-2), Arellano (1-3), EAC (0-3) at Altas (0-4).
Sa ikalawang laro, inilampaso ng Cardinals ang Chiefs, 73-51.
- Latest
- Trending