MANILA, Philippines - Umiskor si Kate Aparri ng isang 3-1 panalo kontra kay Sopida Satumran ng Thailand sa semifinals ng women’s 48 kg class sa MVP International Boxing Friendship Cup kagabi.
“She beat me in the SEA Games finals in Thailand. Now I have avenged that defeat,” wika ng 25-anyos na si Aparri sa press room ng PICC Forum kipkip ang isang ice pack para sa kanyang kaliwang mata.
Noong Disyembre ng 2007, natalo si Aparri kay Satumran para sa gold medal sa Southeast Asian Games sa Thailand kung saan anim na Filipino fighters ang pumasok sa finals.
Pumasok rin sa finals si Josie Gabuco makaraang lusutan si Dueannapha Ngalam ng Thailand, 1-0, sa 46 kg division.
Makakasagupa ni Gabuco, gold medalist sa 2009 Laos SEA Games, si Tu Fen Weng ng Chinese-Taipei na kumuha ng 16-5 tagumpay laban kay Mak Kit ng Macau sa finals.