Pacquiao lalaban sa Mexico vs Margarito
MANILA, Philippines - Magkakaroon ng pagkakataon si Manny Pacquiao na maramdaman kung paano siya tratuhin ng mga panatiko sa boksing ng Mexico kung matuloy ang plano para sa kanyang Nobyembre 13 na laban.
Bagamat nakareserba ang Cowboy’s Stadium sa Texas upang siyang pagdausan ng comeback fight ni Pacquiao, posible din naman na mangyari ito sa Monterrey, Mexico.
“They have a new arena in Monterrey . They governor wants it, the city wants it. They’ll go absolutely nuts for this,” wika ni Arum.
Si Antonio Margarito ang siyang makakaharap ni Pacquiao kung sa Mexico gawin ang laban at ito’y para sa bakanteng WBC light middleweight title.
Hindi makalaban si Margarito sa US dahil suspendido pa ang kanyang lisensya matapos mapatunayan na gumamit ng kemikal na nagpatigas sa kanyang bandage nang kinaharap si Shane Mosley noong nakaraang taon.
Si Pacquiao ay kinilala bilang Mexican assassin dahil pinataob niya ang matitikas na boksingero tulad nina Eric Morales, Hector Velasquez, Marco Antonio Barrera, Oscar Larios at Juan Manuel Marquez.
Pero sa kanyang 56 laban at pitong world titles na pinanalunan, hindi pa napapasok ng Pambansang kamao ang Mexico para sa isang laban.
Naging panauhin na siya sa nasabing bansa nang magbakasyon sa Nayarit noong nakaraang buwan at mainit naman siyang tinanggap kasama ang kanyang pamilya.
Ito ang siyang nakikita ni Arum na dahilan kung bakit niya nais sa Mexico gawin ang laban.
“Pacquiao is called Mexican Assassin because he’s defeated most of the top Mexican challengers. He is highly respected and well kike in that boxing-crazy country. And Manny is not reluctant to fight a Mexican in Mexico ,” dagdag pa ng beteranong promoter.
Ang isa pang inililinya ay si WBA 154-pound champion Miguel Cotto at ang mga labang ito ay mangyayari kung hindi hindi tutugon si Floyd Mayweather Jr. sa alok na laban hanggang Biyernes.
- Latest
- Trending