4 gold sa RP karatekas

MANILA, Philippines - Nag-uwi ng apat na gintong medalya ang Philippine Team na binubuo ng Super Karate Kids sa katatapos lamang na Sixth Korea Open International Ka­ratedo Championships na nilahukan ng 400 na manlalaro mula sa 21 na bansa.

Pinangunahan ni Jamie Chris­­tine Lim, anak ni PBA Le­­gend Samboy Lim ang de­legasyon ng Associtaion for the Advancement of Karatedo na binubuo ng tatlong batang babae at anim na lalake na may­roong dalawang gintong medalya sa 12-13 age bracket sa kata at kumite.

Ang iba pang nagwagi ng ginto ay sina Alisa Karmina Cif­ra ng La Salle sa ladies cadet-54 kilogram kumite at Jose Raphael Habal ng Xavier School sa boys 9-year old kumite na dinomina ng mga Ruso.

Maliban sa apat na gintong medalya, nag-uwi din ang Super Karate Kids ng isang silver at walong bronze medal.

Pinamunuan ni Richard Anthony Lim at Juan Carlos Veguillas ang delegasyon ng bansa sa torneong pinamunuan ng World And Asian Karate Federations.

Inuwi ni Allen Castro ang pilak sa 13-year-old kumite sa boys division.

 

Show comments